Ang sabi lagi natin, dito sa Pilipinas, maraming pasaway.
Sa kabila ng maigting na pinaiiral na “Enhance Community Quarantine” o’ “Luzon Lockdown”,
Sa kabila ng pag iingat na ginagagawa ng ating Pamahalaan,
Sa kabila ng banta ng COVID-19,
Sa kabila ng walang anumang transportasyon masasakyan,
Iilan sa atin ang hindi maiiwasang makipagsapalaran na patuloy na maglakbay, lumabas ng bahay Isa sa pa-totoo nito ay ang aming bunsong kapatid.
Isa syang simpleng manggagawa ng isang kilalang Hotel dito sa kaMaynilaan. Nasa Pampangga ang kaniyang mag-ina.
Linguhan lang ang kanyang uwi tuwing day-off nya.
Namamalagi sya kasama naming ibang kapatid nya dito sa Las Pinas kung saan sya umuuwi tuwing matapos ang kanyang duty.
Nang ipinatupad ang “Community Quarantine” sa Metro Manila, hindi na rin sya nakabalik sa trabaho. Salamat naman at garantiyado namang tuloy ang kanilang sweldo.
Naglagi lang kaming lahat sa loob ng bahay para maging ligtas at makatulong ma-contain ang nasabing Corona Virus.
Pang anim na araw (6th day) mula ng nasabing quarantine, wala pa rin syang maipadala sa kanyang mag-ina. Doon ko naramdaman ang kanyang pag-aalala. Ganun din naman kaming magkapatid, kaya ibinigay namin sa kanya ang pagpapasya. “Basta pag hindi ka nakalusot, bumalik ka”, sabi namin sa kanya.
Pang pitong araw (7th day) mula ng declarasyon, ika labing dalawangput isa ng Marso (March 21)
Maagang naghanda sya ng ibabaon nya katulong ang isa kong kapatid. Ilang nilagang itlog, biskuit at tubig.
Pinagdadala sya ng ilang delata ngunit mukhang mabigat na ang dala nyang bag. Mas mahalaga ay maiuuwi nya ang konting pabaon na dapat ay ipapadala sana nya habang naghihintay ng kanyang sahod dito sa Las Pinas.
Alas kwatro y medya ng umaga (4:30AM) nagsimula syang lumakad mula Las Piñas.
Ilang minuto bago mag alas Dose (12NN) aniya sa text, sa wakas, malapit na rin sya. Nahuli raw sya ng Enforcer sa bandang Monumento ganun pa man, maraming salamat sa pang-unawa Sir. Sa gitna ng stoplight , tinulungan syang makiusap sa isang Delivery truck.
Maraming Salamat Kuya Driver sa nag-magandang loob na nagpasakay sa kaniya sa isang truck mula Monumento hanggang Sta Rita. Muli syang naglakad hanggang Plaridel. Doon nakakita sya ng Palengke. At para may maiuwi sa kanyang mag-ina, bumili ng gulay At isang tricycle ang nagbigay sa kanya ng pag-asang sa wakas ay makakarating na sya sa kanila. Ngunit pagdating sa Apalit, hindi na pinapasok ang tricycle ng Checkpoint Ganun pa man, salamat sa mga bantay natin at hinatid sya sa kanilang bahay.
Anim na oras (6 hours) na paglalakad mula Las Piñas hanggang Monumento.
Kasing laki man daw ng piso ang mga paltos ng kanyang mga paa, ilang bilog bilog man ang natamo ng pagbabaka sakali nyang makalusot sa mga checkpoint, nakarating din sya sa kanyang mag-ina.
Maraming salamat sa Enforcer sa Monumento
Maraming salamat sa nagmagandang loob na Kuya Driver ng Delivery truck
Maraming salamat sa mga tagapag-bantay ng ating Checkpoint sa Apalit
Maraming salamat at nakarating ng maayos ang aming kapatid
Aming namang pakiusap sana sa kanilang Agency na humahawak sa kanila, “Transwealth Agency” sana may sagot na po kayo kung kelan nyo pwede irelease yung sweldo nila. Kahit sweldo man lang sana para may pandagdag man lang silang pang tawid gutom sa ganitong panahon.
Hindi po sya pasaway, kinakailangan lang nya talagang umuwi sa mag-ina nya na walang ibang aasahan kundi sya.
Ito ang isang kwento ng simpleng manggagawa ngayong panahon ng “Enhance Community Quarantine”